*freestyle.
Ang lakas ng ulan.
Di ko malaman kung ano itong nararamdaman.
Pagkalungkot, Pagkatuwa, may uting Yabang.
Nakayanan ko palang itago ang lahat,
Nakayanan kong pigilin ang sarili, ang puso.
Nagwawala ang hangin,
napakalakas nitong bagyo, di ko na marining ang mga tunog.
Kumikidlat, Bumabaha, Galit ang Langit.
Para bang may gustong iparating. Para bang may gustong sabihin.
Pero ako'y nanahimik lamang, tatahimik na lamang.
Ang lakas ng ulan,
di ko na namalayan, unti unti na pala akong tinatangay,
nawalan na ako ng pakiramdam, namanhid.
Unti unti na akong inaalon ng tubig.
Ngunit di ako gumagalaw, hayaan na lamang,
dalhin nalang ako kung saan man dumating.
Lahat ng ito,
nangyayari sa loob ng aking Isipan at puso,
habang sa labas ako'y payapa, masaya at maligalig.
Nakatago sa likod ng aking pagkatao. Nakatago sa likod ng anino.
Ang bagyo sa aking damdamin, Di na tumigil pa, Di na humupa ang baha.
Di na ako uulit pa, Hindi na.
Nakalimutan ko na ang pakiramdam,
Pakiramdam na dati lubos sa saya.
Inalon na ng tubig ang aking puso't kaluluwa.
Di na ulit babalik, Di na ako lalayag upang hanapin ka pa.
Ika'y lumisan na, kinain na ng aking ala-ala.
Ang Lakas ng Ulan.
Kasing Lakas ng Agos ng aking mga Luha.
Ang Lakas Ng Ulan.
Written by
The Oracle Prodigy
Friday, September 18, 2009
0 comments:
Post a Comment