Sayang, Ika'y Nagpaalam Kaibigan.

Nung una kang nakilala, ako'y natuwa.
Napaka-simple, napaka-ganda,
ikaw na nga siguro ang hinahanap nila.
Napaka-talino, napaka-bait,
ano pa nga ba hahanapin mo sa iba?
Tayo'y nagbabatian sa daan,
minsan nagakakasabay sa paglakad,
Ako'y nabighani sa iyong kakulitan, kasiyahan at kalokohan.
Hindi ko inakala na ganun ka kasaya kasama.
Hindi ko inakala ganun ka pala kaganda, sa panloob at panlabas.

Ako'y nangako poprotektahan ka, dahil sa aking tingin,
ika'y isang mamahaling yaman.
Mahirap makuha, mahirap hanapin, tinig mo'y kakaiba.
Tayo'y naging magkaibigan, matalik at masaya.
Tayo'y naging magkaibigan, totoo and wala nang iba.

Ngunit, ano nangyari? bakit tila nagiba ang ihip ng hangin?
Ang prinsesang inalagaa'y tila nawala,
ako'y naghanap, at aking nakita.
Maraming nakapalibot, at lahat ay kinakausap niya.
Aking nabasa sa kanilang mga isipan,
kamunduhan at kasamaang binabalak.
Ako'y nagalit, ngunit iyon ang gusto nya,
Ako'y walang nagawa, kundi sinuportahan nalang siya.

Siya'y sumikat tulad ng araw na nasa kalawakan,
kilala nang lahat, minimithi ng karamihan.
Noong dating simpleng dalaga, ngayo'y maporma na.
Lahat napapalingon tuwing daraan siya.
Sino nga naman bang hindi mabibighani,
sa bagong kagandahan niya.

Marami siyang bagong kaibigan,
karamihan mga kalalakihang mas matatanda sa kanya.
Marami na din siyang panunungkulan,
ibinoto, inupo sa pwesto, inilagay sa dambana't sinamba.
May bagong kapangyarihan, impluwensya at karangyaan.

Nagbago na ang simpleng prinsesa namin,
noong dating mahiyain na dalaga, simple at maganda,
ngayo'y ibang iba na siya.
Hindi na kami kilala, tila nalimutan na
ang pagkakaibigang aming binuo,
ang samahang hinubog at pinatotoo.

Nakakalungkot isipin,
ngayo'y siya'y maraming nakakamit,
mga tunay nyang kaibigan unti-unti'y nawawaglit,
sa bawat araw na lumilipas, bawat tingin ng aming mga mata,
wala na ang kagandahang aki'y unang nakita.
Sayang kaibigan, ika'y nagpaalam na.

5 comments:

Anonymous February 23, 2009 at 4:54 AM  

oh..c **** nu?..oo nga..sayang tlga ngpaalam n sya..

Migs February 23, 2009 at 5:30 AM  

Sino kaya itong nag-comment (anonymous)? hmmm. di ko sasabihin kung tungkol kanino ito, siguro isa lang itong kathang-ISIP. :P hahaha!

-aBby February 24, 2009 at 5:39 AM  

This comment has been removed by a blog administrator.

sarah February 26, 2009 at 6:18 PM  

hahaha!!!!klala ko na ata kong xno un..!!!

mis you 1e5...

grace zamora February 28, 2009 at 6:37 AM  

cool :)

i salute you. :) good job.

Post a Comment